Sunday, September 28, 2014

MGA PINOY NA DOKTOR, NARS, ATBP., IBABALA VS EBOLA

HINIHILING ng United Nation sa sa Pilipinas na magpadala ito ng mga doktor, nurse at iba pang health professional sa mga bansang sinasalakay ng sakit na ebola.


Kabilang sa mga grabeng sinasalanta ng sakit ang Liberia, Guinea at Sierra Leone at gumapang na rin ito sa bansang Nigeria.


Ayon sa UN, nangangailangan ang mga biktima sa nasabing mga bansa ng nasa 1,000 health professional.


Bukod sa mababait at mahuhusay umano ang mga Pinoy na health professional, naniningil na rin ang UN ng kapalit ng tulong nito sa mga biktima na Yolanda.


Paliwanag ng UN, makakayanang pigilin ang paglaganap sakit na ito kung maraming tao ang lumalaban dito at umaasa itong magkapagpapadala ito ng pwersa laban sa sakit.


Mula rito, mayroon bang magpapalista o magbo-volunteer na maging kasapi ng medical team patungo sa West Africa?


Sa ngayon, mahigit nang 6,500 ang nagkakasakit ng ebola at halos 3,100 na ang namamatay rito.


May ilang natutuklasan nang gamot laban sa sakit ngunit nauubusan ang suplay kaya naman walang nakatitiyak na maliligtas ang mga makakapitan ng sakit.


Sa kasalukuyan, dahil sa hindi magandang kalagayan ng mga kasalukuyang lumalaban sa sakit sa kawalan ng “tunay” na gamot, gamit iba pang mga pangangailangan, maraming lokal na health professional ang umalis na sa mga grupo ng mga manggagamot.


May mga sinasaktan namang mga health professional ng mga mamamayan na pinupuntahan ng mga ito upang tulungan.


Sa mga ganitong kalagayan, dapat na mag-isip ang pamahalaan kung tumugon ito nang positibo o hindi sa panawagan ng UN.


Kung magpapadala man ito ng mga health professional, ano-ano ang mga posibleng pananagutan ng pamahalaan kung mamatay ang mga Pinoy na ipadadala nito?


At kung may magboboluntaryo namang pupunta roon, dapat na kontrolin ang mga ito ng pamahalaan upang hindi pagmumulan ang mga ito ng sakit na posibleng makapasok sa Pilipinas sa pag-uwi ng mga ito.


O dapat na mag-isip at kumilos tayon lahat dito. BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA PINOY NA DOKTOR, NARS, ATBP., IBABALA VS EBOLA


No comments:

Post a Comment