NASORPRESA ako sa dami ng text, tawag at mga biro sa sinulat kong kolum tungkol kay Quezon City Police District (QCPD) District Director RICHARD ALBANO kamakailan lang.
Mismong hanay ng mga kabaro ko sa media ay nagtaasan ang kilay. Maraming biro.
Ateng, mukhang ikaw na ang PR (public relations) ni DD ah, na ang kasunod ay, “magkano ang kontrata mo? Hahahahaha!
‘Yung mga suki naman ng LILYs FILES ay nag-text na sa ngayon daw sila sa isinulat kong “NCRPO NEEDS AN ALBANO” dahil alam daw nila ang laman ng balita sa PNP kontra krimen na ginagawa ng QCPD. May nagsabi pa na mga taga-Quezon City na feeling well secured daw sila ngayon dahil marami silang nakikitang pulis sa mga kalye
Hindi rin maitatago kasi ang naglalabasan na posts sa Facebook at sa Twitter na mga pagbati na may pasasalamat kay DD Albano, mula sa iba’t ibang sector hindi lang sa Kyusi kundi sa labas ng kanyang distrito.
Totoo naman kasi ang mga balita tungkol sa mabilis na pagresolba ng tropang pulis sa buong pwersa ng QCPD sa ilalim ni Tsamba Chief Albano.
Sa kabila ng kanilang magkakasunod na tagumpay kontra krimen, hindi mo sila makikitaan ng yabang sa ulo at pagkatao.
Kaya mismo kami na ilang Kuyang at Ateng sa media ay binansagan siya, sampu ng kanyang mga tauhan bilang Da Best ng PNP, QCPD TSAMBA TEAM!
Huwag sanang magtampo sa akin ang matagal na nating mga kaibigan na mga pulis, lalo na ang mga opisyal, kung pinupuri ko itong si Gen. Albano. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ito ang nakikita ko sa araw-araw na ako ay nasa Kampo Karingal.
Malalim mag-isip si General Albano at isa na rito ay ang kanyang proyektong pagsusuot ng “numbered vest” sa lahat ng mga may motorsiklo dahil sa tila paghahari ng motorcycle riding criminals sa buong bansa.
Umani ito ng papuri kasunod ang mga batikos. May nagrali pa kontra sa kanyang ideyang iyan.
Eh, araw-araw, may biktima ang “riding-in-tandem criminals,” hindi ba? Bakit nga ba ayaw ipatupad ng pambansang pulisya ito?
Kilo-kilo rin ang nalalambat ng tsamba team sa iligal na droga, mga pusakal na kriminal ay nadarakip nila sa maikling panahon, ang mga big time na carjacker, shoot na.
Hanggang ngayon, tuloy ang Oplan Lambat nila na ipinatutupad sa buong bansa.
Hindi ako nagbibiro sa rekomendasyon ko na kailangan ng PNP ang serbisyo ni Gen. Albano sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil tiyak na malaki ang magagawa niya sa pagsugpo ng kriminalidad sa Kalakhang Maynila.
Kesehodang mapagbintangan ako na PR niya, ang mahalaga sa akin ay nagtatrabaho ng tama at epektibo bilang isang lider itong si Gen. Albano.
At katulad din ng nabanggit ko sa una kung column, dito na ako inugat sa Quezon City bilang isang media practitioner na ang major beat ko ay pampulisya.
Parang PR na nga yata ako nitong si Gen. Albano, ah. LILY’S FILES/LILY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment