Tuesday, September 30, 2014

KOMITMENT NI PNOY vs ISIS?

KUNG ang bahay mo ay hindi mo maayos at gawing mapayapa, lalahok ka pa ba sa away ng kapitbahay?


Tanong natin ito kay Don Benigno Aquino 3rd noong nasa Amerika siya at nangako na tutulong ang Pilipinas sa pagsugpo ng rebelyon ng ISIS (Islamic State) sa Gitnang Silangan!


Papayag tayo na gawin niya iyon, magpadala ng sundalong Filipino pero siya at ang kanyang mga kabarilan ang dapat na nasa frontline. Yes, siya ang ground commander sa Syria, Iraq o Lebanon pa.


Mag-isip ka naman, Don PNoy. Bago ang iba, unahin mo muna ang pag-aayos at paglilinis sa sarili mong bahay at komunidad. Tama na ang namumutiktik na kayabangan mo sa iyong katawan.


Pilit na pinaliit ng iyong mga “aso” sa MalacaƱang ang gastos mo sa iyong biyahe pero kahit gaano kaliit, malaking halaga iyon para sa mga naghihintay na kababayan natin sa iyong tulong – mga biktima ng bagyo’t ibang uri ng kalamidad.


Pilit mo ring pinaniniwala ang ibang bansa na mala-rosas na ang ekonomiya ng bansa dahil sa husay mong mamahala. Pero bakit tuwing masusubsob ka, bigla mong sinisisi ang iba? Hindi ka ba nahihiya, Mr. Aquino?


Kung ang pinagsanib na pwersa ng NATO at Supreme Allies ay hindi umubra sa mga puwersa ng Al Qaeda, Jemaayah Islamiya at ngayon ay ISIS, ikaw pa ang magsusubo sa mga sundalo natin?


Siguro naman alam mo na ang totoo na ang ISIS ay likha ng Central Intelligence Agency (CIA) ng America. O kaya ay napanood mo ang maraming video ng ISIS, aba, ang mga kumander nila ay may mga tattoo na US Navy, Army, Seals at Marines. Hindi ba malaking ebidensya iyan?


Hindi masama na bawiin mo ang iyong komitment sa America. Ganyan din ang ginawa ng CIA sa atin noon na ahente pa nila ang tatay mo sa buong Asya. Binuo ang Jabidah Team noon para bawiin ang Borneo (Sabah ngayon). Ano ginawa ng tatay mo?


Ibinulgar, pinatay lahat ang trainees.


Binuo ng CIA ang Abu Sayyaf pero pinabayaan, naging bandido. Sa totoo, ang CIA ang nagbuo ng grupong Islamic warriors para bumuo kuno ng Islamic State. Kailangan ng America at kaalyado nila ang giyera para maibenta ang kanilang gamit panggiyera.


Gusto ng Supreme Allies na pagharian ang mundo!


Mabuti pa, maglinis ka muna ng iyong sariling bahay. Sobra na ang dumi at baho sa loob at labas ng iyong bakuran. Ibasura mo na sina Butch Abad, Jun Abaya, Procy Alacala, at iba pa na walang itinutulong sa iyo kundi puro kahihiyan lamang! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



KOMITMENT NI PNOY vs ISIS?


No comments:

Post a Comment