Monday, September 29, 2014

LAGLAG PANTY AT UPONG UMIIHI SA BJMP SA ‘GAPO

IBABABA kaya ni Justice Sec. Leila de Lima ang kanyang panty, iaangat ang bra at uupo na parang umiihi sa harap ng guwardiya kung dadalaw siya sa isang detenido sa Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) sa Barretto, Lungsod ng Olongapo?


Ito Ang Totoo: ito ang inaabot ng negosyanteng si Lou David sa tuwing dadalaw sa kaibigang 67-taon-gulang na Amerikana na kilalang tumutulong sa mahihirap bagama’t may hindi pa naman napatutunayang kasong kinakaharap.


Saad ni David, kahit babae ang guwardiya, hindi maganda sa pakiramdam ang paulit-ulit na karanasan, lalo pa sa kagaya niyang wala namang rekord na nasangkot sa kriminalidad tulad ng droga at iba pang krimen.


Laglag hanggang ibaba ng hita ang panty na kung may “panty-liner” ay ipabubuklat pa at naka-squat nga na parang umiihi para raw bumuka ang ari at kung may nakapasok ay lalaglag sa sahig.


Minsan kasama niya ang kanyang asawa pero simpleng kinapkapan lang, hindi pinaghubad o sinilip ang singit o itlog at baka may nakasingit na droga o mapanganib na bagay siguro.


Pati abogada ng dinadalaw ni Lou David ay hindi naman isinasailalim sa pagpapabuyangyang ng kanyang kuwan at iba pang parte ng katawan kahit babae ring tulad niya.


Pero gaya ng iba pang babaeng dalaw, si Lou David ay paboritong tunghayan ng guwardiya ang kanyang kuwan at dahil parati na lang, nakahahalata at nato-trauma na.


Standard Operating Procedure (SOP) daw kaya ganoon pero kung sinoman ang may pakana nito ay parang gago dahil depende sa sitwasyon at mga taong sangkot ang pagpapatupad ng nakaka-tromang inspeksyon.


Ito Ang Totoo: kung si Sec. De Lima, tiyak hindi nila ipabubuyangyang ang kanyang kuwan tulad ng takot lang gawin sa asawa, babaeng anak at bisita ng mga senador na dumadalaw sa kanilang kulungan.


Tutal, imbestigasyon ang linya ng departamento ni De Lima, siguro naman kaya niyang paimbestigahan ang katarantaduhang nagaganap sa BJMP Jail sa Olongapo at malamang, sa iba pang panig ng bansa.


SOP o hindi, may nangyayaring mali.


Saklaw ng DOJ ang BJMP kaya Sec. De Lima, kilos na at nang makakita na po tayo ng resulta. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



LAGLAG PANTY AT UPONG UMIIHI SA BJMP SA ‘GAPO


No comments:

Post a Comment