ANG four-day work sa government offices ay hindi solusyon sa traffic problem sa Metro Manila.
Ang dahilan ng matinding traffic sa Metro Manila ay ang mga sumusunod:
1. Ang exemption sa number-coding ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno.
2. Ang hindi mapatupad na batas laban sa mga kolorum na pampublikong sasakyan.
3. Ang pagkawala ng disiplina ng mga motorista at mga pedestrian.
4. Ang talamak na pangongotong ng mga pulis at traffic enforcer.
5. Ang mga naburang mga sidewalk na okupado na ng mga illegal vendor.
6. Ang mga aksidente sa lansangan.
7. At marami pang iba na may kinalaman sa batas trapiko, isama mo pa rito ang mga container van at ang walang humpay na road digging maski saan ka mapunta.
Kahapon ay inumpisahan na ng Civil Service Commission ang pagpapatupad ng four-day work sa lahat ng mga nagtatrabaho sa pamahalaan.
Ngunit marami ang nalito.
Ayon sa CSC, sampung oras na ang trabaho sa gobyerno sa halip na otso oras lamang under the four-day work.
From Monday to Thursday na lang ang trabaho o kaya ay Tuesday to Friday.
Kumporme sa desisyon ng bawat sangay ng gobyerno.
Napakalabo ng alituntuning ito at baka lalo pang sumama ang daloy ng traffic lalo na sa EDSA, Taft, Avenida, Roxas Blvd. at C5.
Ito’y dahil nagtakda mismo ang CSC ng mga exemption na kay hirap ipatupad katulad ng paglalagay ng call center sa mga government office.
Ang sabi ng CSC, government agencies in Metro Manila can adopt the scheme provided the public can access online their frontline services; establish a one-stop shop; or put up a functional call center/PABX telephone system allowing calls to be diverted to the officer-of-the-day.
Ang tatalino ninyo talaga. Hmmmp! DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment