BAGAMA’T naka-bakasyon ang Kongreso, tuloy sa Setyembre 30, 2014 ang muling pagdinig Senate committe on public order and dangerous drugs kaugnay sa Philippine National Police (PNP) modernization bill at iba pang isyung may kaugnayan sa pangkapayaan sa bansa.
Tiniyak din ng komite na dadalo si PNP Chief Director Gen. Alan Purisima para linawin ang isyu laban sa kanya kaugnay sa ill-gotten wealth nito.
Magugunita na hiniling ni Sen. Grace Poe, chairman ng komite, sa PNP chief na bitbitin nito ang kanyang SALN sa pagdinig ng Senado.
Una nang nadismaya si Poe kay Purisima sa pang-iisnab nito sa imbitasyon ng komite sa nakalipas na pagdinig at nagpadala lamang ng kinatawan.
Dahil dito, sinuspinde ni Poe ang pagdinig dahil mismong si PNP chief dapat ang dumalo sa pagdinig at sumagot sa mga isyung may kaugnayan sa kriminalidad sa bansa na sangkot mismo ang scalawag police.
Hiniling din ng solon sa kalihim ng DILG na magbakasyon muna si Purisima bilang delicadeza habang iniimbestigahan pa sa sinasabing tagong yaman nito. LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment