NATANGAYAN ng motorsiklo ang isang barangay kagawad habang nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.
Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District–Anti Carnapping Unit (MPD-ANCAR), ang biktimang si Myla Ilagan, Barangay kagawad ng Bgy. 406 Zone 42 at residente ng 1416 J. Fajardo St. Sampaloc, Maynila upang i-alarma ang nawawala nitong Yamaha Mio Soul na “for registration” ang plaka.
Sinabi ng biktima na ipinarada ng kanyang mister ang motorsiklo alas-12 ng hatinggabi at hinala nila na tinangay ito ng hindi kilalang carnapper sa pagitan ng ala-1 – 5 ng umaga.
Paglabas ng bahay hindi na nila nakita ang nakaparadang motorsiklo.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng MPD-ANCAR sa nabanggit na insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment