Monday, September 29, 2014

Bagong bagyo ‘di tatama sa bansa

ASAHAN ngayong maghapon ang maaliwalas na papawirin, subalit maaaring maulit ang malakas at biglaang ulan na nangyari kahapon sa Metro Manila na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng Quezon City.


Kaugnay nito, iniulat ng PAGASA na ‘di tatama sa Phl ang bagong bagyo.


Ayon kay PAGASA forecaster Jori Loiz, posibleng hagipin lang nito ang Philippine area of responsibility (PAR) at hindi tamaan ang mismong landmass ng ating bansa.


Malabo rin umano itong maramdaman dahil sa layo at pataas na direksyon.


Pero kahit hindi gaanong dumikit sa lupa, bibigyan pa rin ito ng local name na Neneng kung papasok sa PAR. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong bagyo ‘di tatama sa bansa


No comments:

Post a Comment