Monday, September 29, 2014

Cellphone snatchers ng estudyante sa QC, nasilo

NASILO na ng pulisya ang dalawang kilabot na cellphone snatcher na bumiktima sa isang babaeng estudyante sa Quezon City nitong nakaraang Linggo.


Sinabi ni Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) head Director Benjamin Magalong na ang mga suspek na sina John Ralfh de Guzman at Gilbert Pazcoguin, ay kapwa nahuli sa kanilang hideout sa Purok Silangan sa Bgy. Dela Paz, Antipolo City nitong Martes ng madaling-araw, Setyembre 30.


Ayon kay Magalong, si De Guzman ang lalaking nakita sa CCTV na bumalya sa isang grade 9 student para makuha ang cellphone nito sa may kanto ng Scout Tobias at Scout Lozano sa Bgy. Laging Handa noong umaga ng Setyembre 22 habang si Pazcoguin naman ang nakitang nagmamaneho ng isang motorsiklo na ginamit na getaway vehicle.


Kakwentuhan ng biktima ang tatlo pang babaeng estudyante pero sa takot na saktan din sila ni De Guzman ay walang nagawa para tulungan ang kanilang kaklase.


Narekober din ng pulisya mula sa mga suspek ang isang Suzuki motorcycle (ZM-4752), na siyang ginamit sa cellphone robbery.


Kinasuhan na sina De Guzman at Pazcoguin ng robbery na may kaugnayan sa Child Abuse Law. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Cellphone snatchers ng estudyante sa QC, nasilo


No comments:

Post a Comment