Monday, September 29, 2014

Barriga uupak sa last 8

BAHAGYANG napasaya ni London Olympian Mark Anthony Barriga ang mga Pinoy fans matapos itong sumampa sa quarterfinals ng men’s light flyweight division sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea kagabi.


Duguang tinalo ni 21-year old Barriga si Tosho Kashiwasaki ng Japan matapos umiskor ng unanimous 3-0 win at isalba ang kampanya ng team Philippines na nakalasap ng magkabilang kabiguan sa ibang event.


Bago nakipag-upakan si Barriga ay lupaypay at lulugo-lugo ang ibang atleta dahil sa natamo nilang kabiguan.


Pasok si Barriga sa last 8 at isang panalo na lang ay may maikukuwintas na siyang medalya para sa Pilipinas.


Yumuko sa women’s flyweight si Josie Gabuco matapos siyang sapakin ni Thi Bang 0-3 ng Vietnam.


Sinapit din ni lightweight Nesthy Petecio ang nalasap ni 2012 world champion Gabuco matapos itong yumuko kay Junhuan Yin, 0-3, ng China. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Barriga uupak sa last 8


No comments:

Post a Comment