Monday, September 29, 2014

Babaeng tulak, todas sa pananambang

ONSEHAN sa droga ang nakikitang motibo hinggil sa pagbaril sa isang babaeng drug pusher sa harapan mismo ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.


Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Jennifer Toreno, nasa hustong gulang, ng 258 Vergel St., Zone 14, Bgy. 119 ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong tama ng bala sa leeg.


Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nakatakas na suspek bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.


Sa ulat ni S/Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.


Bago ito, nakatayo ang biktima nang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito saka mabilis na tumakas.


Isinugod ang biktima ng kanyang kapitbahay sa nasabing ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival.


Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na insidente. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Babaeng tulak, todas sa pananambang


No comments:

Post a Comment