KINASUHAN na sa Ombudsman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer na pinahintulutan ang iligal na pagbubungkal sa southbound lane ng C5 sa ilalim ng Bagong Ilog flyover noong Miyerkules.
Si Engr. Roberto Bicolas ay sinampahan ng kasong grave abuse of authority, grave misconduct at gross ignorance of the law.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, walang permit ang ikinasang road reblocking na nag-umpisa noong nakaraang Martes ng gabi.
Bukod dito, paso na rin ang ipinakitang permit ng project site engineer ng Jagonbuild Construction.
Samantala, kinumpiska na rin ang lahat ng gamit ng naturang contractor na ginamit nila sa pagbubungkal.
Giit ng MMDA, hindi ito nagbibigay-pahintulot sa road reblocking kapag weekday dahil sanhi ito ng mabigat na daloy ng trapiko lalo kapag rush hour. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment