Tuesday, September 30, 2014

Pamilya, minasaker sa Basilan

KANINANG umaga, Setyembre 30, nadiskubre ng awtoridad ang bangkay ng tatlong miyembro ng isang pamilya sa Isabela City, Basilan.


Hinihinalang may ilang araw nang patay ang mag-anak na sina Rodelio Gonzaga, 57, misis nitong si Lucia, 47, at ang kanilang 11-anyos na anak na si Virgilio.


Natagpuan sa loob ng kubo sa Campo Barn, Kapayawan, Isabela City ang mga bangkay ng pamilya Gonzaga na pawang sinunog pa upang ikubli ang krimen.


Katiwala lamang ang mag-anak sa lupang kanilang tinitirhan.


Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, noong Sabado pa ng gabi nang makarinig sila ng putok ng baril pero dahil malayo ang bahay ng pamilya Gonzaga sa kanilang mga kabahayan ay itinulog na lamang nila ang narinig.


Kaninang umaga nang puntahan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bahay ng pamilya Gonzaga ay natuklasan ang malagim na sinapit ng mga biktima.


Batay sa rekord ng barangay, noong isang taon pa may banta sa buhay ng padre de pamilya dahil sa awayan ng angkan bagama’t hindi pa makumpirma ang ugat ng alitan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Pamilya, minasaker sa Basilan


No comments:

Post a Comment