LUPAYPAY pa rin ang mga Pilipino kahit nanalo ang Gilas Pilipinas laban sa Kazakhstan, 67-65, sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea kanina.
Kailangan kasing talunin ng Gilas ang Kazakhstan ng 11 puntos pataas para magkaroon pa sila ng tyansa na makapag-uwi ng medalya.
Kinapos na naman sa bandang huli ang mga Pinoy dahil matapos tambakan ang kalaban ng 16 puntos sa third period ay nalusaw pa rin ito sa fourth quarter.
“We are now out of contention for a medal. And that’s the story of this ball game,” ani Gilas coach Chot Reyes.
Hawak ng Gilas ang manibela, 42-26, may 6:44 minuto pa sa third canto subalit natapyasan ito sa tatlo papasok ng payoff period. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment