NANGYARI na ba sa inyo na maloko ng mga sales representative o agent na nag-aalok ng mga ibinebenta nilang condo unit?
Kung hindi pa, mangyaring mag-ingat kayo hangga’t maaga sa inyong pakikipagtransaksyon sa mga ito para hindi kayo maloko.
Huwag na nating hintayin pang mangyari sa atin ang nangyari sa kaibigan ko na ang kanyang idinepositong pera bilang reservation fee ay hindi ibinayad ng sales representative o agent ng Megaworld.
Basahin ang nilalaman ng text message ng kaibigan ko.
“Pareng Johnny, good am. Pare, pakisulat mo nga sa kolum mo itong nagngangalang Cris Amable, sales agent ng Megaworld, pero ngayon ay sa Ayala na siya nagwo-work para magbenta ng mga condo unit. Isulat mo pare at tawagan ng pansin ang Megaworld, Ayala at mga prospective buyer ng condo na mag-ingat sa taong ito dahil hindi dapat siya pagkatiwalaan kapag bibili kayo ng mga condominium unit.
Dahil kami mismo ng misis ko ay nag-deposit ng aming reservation fee pero hindi niya ibinayad.
Pare padadalhan kita ng picture nito. Nagpakuha na ako ng picture niya sa NBI at Taguig Police Station.
Pare paki-publish lang para mabigyan ng babala ang mga tao na mag-ingat sa kanilang mga kausap na sales agent.
Salamat pre…”
BOOKIES NG STL SA LAGUNA PADER
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos sina Laguna Gov. Ramil Hernandez at ang chief of police nitong si Supt. Florendo Saligao para mapatigil ang operasyon ng bookies ng STL ng dating mayor ng Bae na si Edwin Ramos na mas kilala sa tawag na ER sa bayan ng Bay at Los Baños.
Halos kontrolado ni ER ang operasyon sa buong bayan ng Bae at Los Baños.
Ultimo sina Mayor Bruno Ramos at Los Baños Mayor Caezar Perez ay mistulang mga ‘inutil’ sa pagsugpo sa STL ni ER.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email lang sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment