PINAG-USAPAN nang husto ‘yong insidenteng naging emotional si Eugene Domingo sa presscon ng Barber’s Tale. Ito ang pinakahuling pelikulang ginawa niya kung saan nanalo pa siyang best actress sa isang international film festival sa Japan.
Naibuhos ni Eugene ang kanyang pagkadismaya hinggil sa hirap magbenta ng pelikula kahit gaano man kaganda ang pagkakagawa nito.
Ilang lingo matapos ito, tinanong namin ang actress-comediene-TV host kung naka-get over na ba siya sa gano’ng naging sentiment at pakiramdam niya?
“Oo,” aniya nang makausap naming sa taping ng Celebrity Bluff.
“Kasi nakita ko na ang dami-raming sumuporta sa mga indie films or independently produced films nitong mga nakaraang buwan. So nakatutuwa talaga. Kasi sabi ko, I think kung sasabihin man nila na parang grabe naman na naging emotional ako, natutuwa ako kasi kahit na papano naantig naman na… siguro naintriga rin ‘yong mga tao, ‘no?
“So ako naman, e… I was just being honest about how I feel. Kasi passion mo ‘yon, e. Di ba? So…gusto mo lang talaga na sana kapag may mga pelikula na bago or pwedeng magustuhan ng mga manonood, bigyan nila ng chance.
“I’m not only talking about Barber’s Tales. I am talking about all the Filipino films in general.”
Establisado na si Eugene bilang isang mahusay na komedyante at de kalibre ring dramatic actress. For sure hindi nawawalan ng movie offer sa kanya. Di ba?
“Kaya lang, hindi ko siya priority.”
May mga nakaka-miss din naman na muli siyang mapanood siyang umaarte ulit. May mga hinahanap pa rin ang estilo ng kanyang pagpapatawa.
“Pero palabas naman lagi sa Cinema One ‘yong mga pelikulang kasama ako. And… syempre hindi naman mawawala ‘yong pagiging artista mo, ‘di ba?
“Kaya lang sometimes, kailangan mo ring mabuhay nang normal para may bago kang dating.
“I mean, baka kasi ýong maibigay mo ay hindi na fresh. So you have to live as a person first.
“And then kung ano ‘yong bago mong matututunan because you live a life na normal and you learn so many things about the normal people, baka may mas maganda kang dating ‘pag napanood ka nila ulit sa screen.”
Gaano pa kaya katagal bago siya magkainteres ulit at magkaroon ng drive na gumawa na naman ng pelikula? “Hindi ko masabi kung gaano katagal. Pero hindi ko siya priority. So if I will be given a choice, I think I will still study. Or if I miss acting, maybe uunahin ko ‘yong entablado.”
How about having another TV show?
“Kung hosting, okey lang.”
Ayaw niya ng sitcom?
“Ayoko!” sabay tawa na naman ni Uge.
“Kasi ang haba ng working hours, e. Unlike kapag hosting, tamo… tapos agad. At saka ang saya.
“Tapos kapag stage naman, gano’n din. Maiksi lang din,” panghuling nasabi ni Eugene. RUB IT IN/RUBEN MARASIGAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment