Tuesday, September 30, 2014

Kelot dakip sa tangkang panghahalay sa Quezon

NANGINGINIG pa sa takot ang isang dalagitang muntik magahasa at pinagbantaang papatayin ng isang lalaki sa Tagkawayan, Quezon.


Sa imbestigasyon ng pulisya, naliligo umano ang 15-anyos na biktimang ‘di napangalanan nang biglang pumasok ang suspek at hinila ito.


Pinagyayakap at pinaghahalikan umano ng 37-anyos na suspek ang biktima subalit nakatakas ito.


Sinundan ng suspek ang biktima at binantaang papatayin kapag nagsumbong sa awtoridad.


Kahit binantaan, nagsumbong pa rin ang biktima dahilan para agad na maaresto ang suspek.


Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at sinampahan na ng kasong rape. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot dakip sa tangkang panghahalay sa Quezon


No comments:

Post a Comment