Monday, September 29, 2014

Tsuper, binaril sa pondo ng asosasyon

KRITIKAL ang isang 53-anyos na jeepney driver nang barilin ng isang rider habang nakatigil ang pinapasada nitong jeep sa Tondo, Maynila kagabi.


Ginagamot ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ric Mamucod, may-asawa, ng 2045 Dagupan Extn., Tondo sanhi ng tama ng bala sa kaliwang tenga.


Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na sakay ng isang motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.


Sa report ni Supt. Joel Villanueva, Hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 7:20 ng gabi nang naganap ang insidente sa panulukan ng J. Abad Santos at New Antipolo Sts., Tondo, Manila.


Ayon kay Emelita De Jesus, 53, nakasakay siya sa isang pamapasaherong jeepney northbound nang napansin niya ang isang lalaking naka-motor na tumapat sa minamanehong jeep ng biktima saka ito pinagbabaril habang nakatigil sila sa red light.


Ayon naman kay Rocelyn Mamucod, 28, anak ng biktima, bago ang pagbaril sa biktima ay nakakatanggap na sila ng death threat dahil umano sa pagkakatuklas ng biktima sa problema ng pondo ng jeepney association.


Patuloy ang isinasagawamg imbestigasyon sa kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Tsuper, binaril sa pondo ng asosasyon


No comments:

Post a Comment