Tuesday, September 30, 2014

Unang Ebola case sa US, nilulunasan na

NILALAPATAN na ng lunas ang kauna-unahang pasyente sa Estados Unidos na nagpositibo sa Ebola virus.


Ayon sa Federal health officials, ginagamot na sa isang Dallas hospital ang hindi pinangalanang biktima.


Una rito, mismong ang Centers for Disease Control ang nag-anunsyo ng impormasyon ukol sa first Ebola case na na-diagnosed sa Amerika.


Sa ngayon ay nasa isolation room umano ang pasyente kaya hindi ito makahahawa.


Dahil sa panganib ng Ebola, todo-higpit ang mga opisyal ng CDC sa mga patakaran para sa mga tauhan ng ospital. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Unang Ebola case sa US, nilulunasan na


No comments:

Post a Comment