IMINUNGKAHI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagbawal at alisin na sa lansangan ang mga lumang sasakyan para mabawasan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.
Ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, dapat nang ituloy ng pamahalaan ang pagbsura sa mga sasakyang mahigit 15 taon nang ginamit at nag-uugat ng mating polusyon dahil sa usok na ibinubuga nito.
Sinabi ni Paje na sa mga passenger vehicles, ang taxi units at AUVs lang ang may phase out ngunit nagagamit pa rin ang mga ito sa kalsada dahil inire-register naman ito bilang private vehicles.
Dahil dito, kailangan na umanong maghigpit ang pamahalaan para mabigyan na ng solusyon ang dalawang pangunahing problema sa Metro Manila dahil sa mga lumang sasakyan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment