Tuesday, September 30, 2014

3 patay sa pamamaril sa Gumaca, Quezon

INAALAM na ng Gumaca Police sa lalawigan ng Quezon ang nangyaring pamamaril na ikinasawi ng tatlong katao sa Bgy. San Vicente ng nasabing bayan.


Sinabi ni Gumaca police chief Romulo Albacea, kasama sa mga nasawi ang dalawang sundalo at isang ginang.


Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkakasiyahan ang mga biktima nang dumating ang mga suspek at biglang pinaputukan ang mga ito, bandang alas-7:30 kagabi.


Naniniwala ang pulisya na hindi bababa sa dalawa katao ang namaril dahil sa dami ng nakitang tama sa mga biktima.


Sa ngayon ay hindi pa rin matukoy kung saan tumakbo ang mga salarin matapos ang krimen. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



3 patay sa pamamaril sa Gumaca, Quezon


No comments:

Post a Comment