ALAM ba ninyong umiiyak ang mga magbababoy dahil sa pagkalugi nila sa negosyo?
Lalo na ang mga maliliit.
Sabi nila, kung libo ang alaga mong baboy, kikita ka.
Pero kung kakaunti lang, halimbawa, kulang sa 100 lamang, tiyak na mauubos lang ang puhunan mo nang hindi mo mababawi.
Ilan sa mga kinatatakutan ng mga maliliit na magbababoy, parekoy, ang tuloy-tuloy na pagmamahal ng biik, feeds, gamot at iba pang gamit sa pag-aalaga ng baboy.
Nakatatakot umano ito dahil masahol pa sa ispageting pataas-pababa ang presyo rito at mas madalas na pababa kaysa pataas ang presyo.
Isang balita lang na may kumakalat na sakit ng baboy gaya ng foot and mouth disease, patay kang baboy ka, este, negosyante ka.
Mag-uulam na lang ng sardinas, isda at gulay ang mga tao at todo-iwas sila sa baboy, kahit sa mga litson.
Nakatatakot din umanong isipin na sa kahit bawat isa sa 10 alaga mo, lugi ka na kaagad dahil napakamahal ang biik at napakamahal ang mga pagkain, gamot at iba para sa mga hayup na ito.
Para sa mga backyard farmer o maliitan lang talaga na iilang baboy lang ang kayang alagaan bilang hanapbuhay, nakatatakot din ang mga bumibili na hindi nagbabayad, nambabalasubas at nang-eestafa.
Isang baboy lang din ang natangay sa mga magbababoy at hindi makasingil sa mga mandurugas, patay sila mga magbababoy.
May isa ngang overseas Filipino worker na nagbuhos ng ipon niyang P200,000 sa pag-aalaga ng baboy.
King-ina, nadale siya ng mga namamasyal at bumibili ng baboy na sa tubig pala inililista ang mga utang.
Kahit masagi mo pa ang mga mandurugas, ang kakapal ng mukha ng mga ito na hindi man lang magpaliwanag.
Kapag siningil mo, sila pa ang galit.
Kung minsan, dahil sa pagkabangungot, gusto mo tuloy isaksak na lang sa mga bunganga hanggang puwet ang panglitsong kawayan o tubo para litsunin silang buhay.
Kaya naman, paliit nang paliit na umano ang backyard na pag-aalaga ng baboy.
Buwisit! BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment