Monday, September 29, 2014

Boxing referee at black belter pinagbabaril, dedo

NANANATILING blangko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang ng isang martial arts black belter at boxing referee.


Ayon pa sa pulisya, hirap sila na makilala ang mga gunman sapagkat walang CCTV camera at bahagyang madilim ang lugar.


Ayon sa saksi na isang sidewalk vendor na ayaw magpabanggit ng pangalan, nakarinig umano siya ng malakas na putok ng baril malapit sa kanyang puwesto.


Agad nitong nilapitan ang pinagmulan ng putok at naabutan pa nito ang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaking naka-helmet at mabilis umalis sa lugar.


Tumambad sa gilid ng daan ang biktima na kinilalang si Elizalde Jabitona, Jr., boxing referee at black belter ng martial arts, ng Balagtas St., Cebu City.


Agad na dinala ang biktima sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay bunsod ng natamong tama ng baril sa dibdib at braso.


Napag-alaman na naglalakad ang biktima kagabi sa may Borromeo St., lungsod ng Cebu na hindi kalayuan sa Bombo Radyo Station nang biglang sumulpot ang isang riding-in-tandem at pinagbabaril ito. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Boxing referee at black belter pinagbabaril, dedo


No comments:

Post a Comment