Tuesday, September 30, 2014

Sahod ng OFWs sa Hong Kong, tumaas pa rin

PINATOTOHANAN ng isang OFW sa Hong Kong na tumaas nang bahagya ang sweldo ng mga domestic helpers sa kabila ng umiinit na tensyon dahil sa isinasagawang protesta ng mga estudyante sa lugar kontra sa China.


Ayon kay Elva delos Santos, tubong Nagsangalan, Vigan City, Ilocos Sur, mula sa HKD 4010 ay itinaas ng Hong Kong government ang sahod ng mga Pinoy sa HKD 4110 na katumbas ng Php 23,802.65 kada buwan.


Magandang balita ito sa mga Pinoy sapagkat malaking tulong ito sa kanila.


Samantala, sinabi nitong payapa naman ang nagaganap na rally dahil pawang mga estudyante ang mga raliyista, tulad ng pagsali ng dalawa nitong anak na 20-anyos at 18-anyos at dahil sa peaceful rally naman ito’y hindi siya nababahala sa pagsali ng kanyang mga anak.


Una rito, sa naging panayam ng himpilan kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, tiniyak nitong ligtas halos 185,000 OFWs doon.


Magugunitang noong nakaraang Sabado nagsimula ang rally sa kagustuhan ng mga demonstrador na makamit ang inaasam na kalayaan mula sa pamamahala ng China. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sahod ng OFWs sa Hong Kong, tumaas pa rin


No comments:

Post a Comment