INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na mula sa 105 kumuha ng Naval Architect and Marine Engineer Licensure Examination ay 57 lamang ang maswerteng nakapasa.
Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Naval Architecture and Marine Engineering sa Maynila nitong Setyembre.
Ang mga miyembro ng Board of Naval Architecture and Marine Engineering na nagbigay ng licensure examination ay sina Engr. William B. Hernandez at Engr. Edward B. Cruz.
Inilabas ang resulta ng pagsusulit dalawang araw matapos isagawa ang licensure exam.
Kabilang sa nakakuha ng mataas na grado ay sina:
1. Rodel Dalawampu Maala, Namei Polytechnic Institute, 89.9
2. Edmund Tejada Ramos, Namei Polytechnic Institute, 89.5
3. Ana Theresa Sibulo Mercado, Mariners Polytechnic College Foundation-Baras, 89.1
4. Marlette Floredeliz Natividad, University of Cebu, 87.7
5. Wilson Monterona Pegarido, University of Cebu, 87.6
6. Dondon Perez Mendoza, Namei Polytechnic Institute, 87.1
7. Norwin Duran Dela Cruz, Namei Polytechnic Institute, 87.0
8. Lea Valle Barrameda, Namei Polytechnic Institute, 86.7
9. Clyde Rupert Sumagang Escalona, University of Cebu, 86.5
Gerald Vincent Bughao Gardiano, Namei Polytechnic Institute, 86.5
10. Ramon Angelo Salilican Chacon, Namei Polytechnic Institute, 86.4
Ayon sa PRC, magsisimula sa Oktubre 3, 2014 ang registration ng pagbibigay o pag-iisyu ng Professional Identification Card and Certificate of Registration .
Kailangan namang magdala ang mga magpaparehistro ng kanilang duly accomplished Oath Form o Panunumpa ng Propesyonal, bagong Community Tax Certificate (cedula), 1 passport size picture (colored at puti ang background na may kumpletong nametag), 2 sets ng metered documentary stamps at 1 short brown envelope na may pangalan at propesyon at kailangan ding magbayad ng Initial Registration Fee na P600 at Annual Registration Fee na P450 para sa taong 2014-2017.
Ang mga mapalad na nakapasa sa pagsusulit ay maaring makapagparehistro ng personal at mag-sign in sa Roster of Registered Professionals.
Samantala, wala pang ibinigay na venue o petsa ng panunumpa ng mga licensure passers. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment