Monday, September 29, 2014

Bus vs truck sa La Union, 5 sugatan

NASA kritikal na kondisyon ang isang pasahero habang apat na iba pa ang nagkaroon ng minor injury sa banggaan ng Victory Liner bus at trailer truck sa Pugo, La Union.


Ayon sa Office of Civil Defense-Cordillera, binabagtas ng truck ang Marcos Highway mula Baguio City nang mawalan ng preno kaya’t tumawid sa kaliwang bahagi ng kalsada at sinalubong ang bus na may plakang AYK-525.


Pawang pasahero ng Victory ang apat katao na nagkaroon ng minor injury habang nasa malubhang kalagayan ang driver ng truck.


Nananatili na sa Baguio City General Hospital ang limang biktima habang inaalam na ang sanhi ng aksidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus vs truck sa La Union, 5 sugatan


No comments:

Post a Comment