Monday, September 29, 2014

Drug pusher sa Maynila, natimbog sa Tuguegarao

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang isang taxi driver mula Metro Manila na dumayo sa Tuguegarao para lang magtulak ng iligal na droga.


Sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA sa Bgy. Libag Sur, Tuguegarao City, naaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang suspek na kinilalang si Vergel Navarro, 50, ng Quezon City.


Nakuhanan si Navarro ng tatlong plastic sachets ng shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 15 gramo.


Sa ulat ni Regional Dir. Juvenal Azurin ng PDEA Region 2, tinatayang P60,000 ang halaga ng nakuhang droga sa suspek.


Nakumpiska rin sa suspek ang dalawang unit ng cellphones at isang unit ng motorsiklo na ginamit sa transaksyon. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Drug pusher sa Maynila, natimbog sa Tuguegarao


No comments:

Post a Comment