Monday, September 29, 2014

Pantay na karapatan ng mga bisexual, isinulong

INAPRUBAHAN na sa Quezon City Council sa ikalawang pagbasa ang kauna-unahang anti-descrimination ordinance na nagbibigay ng pantay na pagtrato ng lipunan sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender community.


Ito’y matapos sang-ayunan ng QC council ang pag-apruba sa naturang ordinansa na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga ito.


Pinatutunayan ng Konseho ng QC ang kakayahan nitong manguna at magsilbing halimbawa sa lahat pang mga konseho sa bansa, kung gugustuhin, ay kayang kilalanin at bigyang katuparan ang pagsisimula ng pinapangarap na pagkakapantay-pantay sa QC.


Kaakibat ng napagtibay na ordinansa ang United Nations General Assembly Resolution na naipasa noong September 26 ,2014, na nagkakaloob ng proteksyon sa bawat mamamayan, anuman ang gender identity kung saan ang Pilipinas ang isa sa 25 signatories.


Ang naaprubahang ordinansa ay kilala din sa tawag na QC Gender Fair ordinance na iniakda ni Councilor Mayen Juico na nag-aalis ng diskrimasyon sa trabaho, edukasyon, natatanggap na serbisyo at akomodasyon mula sa QC government.


“The LGBT community has been a significant partner ensuring the success of QC. While contributing on various arenas-politics, arts, business, sciences, education, among others-they have long been ignored, their rights unrecognized and worse they are often discriminated against. This is the city’s way to protect its citizens by saying no to discrimination” ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte.


Nagpahayag naman si Belmonte na ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga ito ay magsusulong sa maunlad na lipunan sa lungsod. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pantay na karapatan ng mga bisexual, isinulong


No comments:

Post a Comment