Monday, September 29, 2014

Kagawad sa Apayao, ninakawan ng ginto saka inutas

MATAPOS pagnakawan ng ginto at pera, pinatay pa ng limang hindi nakikilalang armadong lalaki ang isang Bgy. Kagawad sa Apayao nitong Lunes ng gabi, Setyembre 29.


Nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ulo at namatay noon din ang biktimang si Nelson Aswigue, ng Bgy. Manag Conner, Apayao.


Ayon kay Police Senior Inspector Manes Cadengan hepe ng PNP Conner, naganap ang insidente dakong 10:25 nitong Lunes ng gabi sa mismong bahay ng biktima.


Bago aniya ito, nanonood ng telebisyon ang biktima nang biglang pumasok ang mga suspek at tinutukan ng baril ang Kagawad na may small scale mining.


Ipinalalabas ng mga suspek sa biktima ang kanyang itinatagong ginto at pera subalit imbes ibigay ang hinihingi ay nagsisigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.


Sa puntong ito, binaril ang biktima ng isa sa mga suspek bago hinalughog ang bahay.


Ayon kay Candengan, kasama sa pagtakas ng mga suspek ang may 1 kilong ginto at hindi malamang halaga ng pera ni Aswigue.


Nabatid din na nakatakdang ibenta ng biktima sa Baguio ang kanyang ginto ngayong araw, Setyembre 30. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Kagawad sa Apayao, ninakawan ng ginto saka inutas


No comments:

Post a Comment