Monday, September 29, 2014

OFWs, oks lang sa kabila ng HK protest

KINUMPIRMA ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa maayos na kalagayan ang mga OFW sa Hong Kong sa kabila ng lumalalang kilos-protesta laban sa kanilang pamahalaan.


Ayon sa OWWA, maaga nilang inabisuhan ang mga Pinoy workers na umiwas sa mga magugulong lugar.


Una rito, ilang aktibista na ang naaresto ng mga pulis dahil sa pagsali sa pro-democracy rally para ipaglaban ang pagiging independent ng Hong Kong na hiwalay sa Beijing.


Kaugnay nito, regular na nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng labor offices sa Pinoy community upang mabatid ang kanilang kalagayan.


Kaugnay nito, umaabot sa 38 katao ang sugatan sa girian ng mga riot pulis at raliyista sa Hong Kong.


Ito’y kasabay ng pag-igting ng tensyon sa isang linggong pag-aaklas sa lungsod laban sa China.


Binato ng tear gas ng mga pulis ang mga raliyista at ginamitan ng pepper spray.


Nagsuot naman ng mga goggles o mask, raincoats ang mga nagpoprotesta at nagdala ng payong bilang panangga.


Sa kabila nito, walang balak ang mga nagpoprotesta na lisanin ang business district ng Hong Kong.


Sa ngayon, umaabot na sa 78 nag-aaklas ang inaresto ng awtoridad.


Dahil dito, nanawagan si Hong Kong Chief Executive C.Y. Leung sa mga nagpoprotesta na itigil ang pag-aaklas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



OFWs, oks lang sa kabila ng HK protest


No comments:

Post a Comment