‘PAG dinalaw mo ang website ng Philippine National Railways (PNR), ang tatambad sa iyo ay ang announcement na temporarily suspended ang biyahe ng tren mula sa Manila papuntang Bicol.
Sayang, napakaganda pa naman sana ng biyaheng ito.
Marami sa mga sumasakay sa PNR papuntang Bicol ang nagkukwento sa akin ng convenience ng biyaheng ito.
Palagay ko, dapat ito ang bigyang-pansin at pondohan ng pamahalaan…ang ating mga tren.
Sa Europa nga, hindi ba at tren ang pangunahin nilang transportasyon?
Umaabot sa ibang bansa pa ang mga train track nila.
Ibig-sabihin ay kayang i-connect ang mga train maging sa magkakaibang bansa sa Europe.
Sabi ng mga nakakausap ko, kahit daw medyo matagal ang biyahe ay hindi nila ipagpapalit ang convenience at ang safety ng pagsakay sa tren.
Kaya malaking kawalan hindi lang sa pamunuan ng PNR kung hindi tumatakbo ang mga tren kundi sa mga mananakay.
Pero dapat ay gawing mas kaaya-aya ang experience ng pagsakay sa mga train.
Dapat ay malinis at may mga mabibiling murang pagkain para sa mga bumibiyahe ng malayo.
Nariyan pa ang isyu ng pagsasaayos ng mga dinaraanan ng tren para walang aksidente at para maganda ang mga view na madaraanan.
Gaya sa Europa, maganda ang tanawin na dinaraanan ng mga tren nila at alam mo na dahil sa reliable at effective ang system ay kampante ang mga pasahero na ligtas ang pagsakay dito.
Sa aking palagay ay dapat ma-revive ang ating train system.
Ito’y parte ng ating kasaysayan, ang tren bilang transportasyon ay parte ng ating kultura at malapit sa puso ng ating mga mamamayan.
Halimbawa na nga ang biyahe ng tren mula Manila hanggang Bicol, ang daming lugar na dinaraanan at sineserbisyuhan.
Sana ay maayos ito, mapaganda at ma-upgrade para mas exciting ang pagsakay.
At makatutulong pa sa problema ng transportasyon sa pangkalahatan.
Ano sa palagay ninyo, mga kababayan ko?
o0o
Mag e-mail sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment