Monday, September 15, 2014

ANONG BAWAL-BAWAL SA SIMBAHANG KATOLIKO?

MARAMI nang pinaggagagawa si Pope Francis na labag sa mga ipinagbabawal ng mga pari, madre at obispo sa Pilipinas.


Isa rito ang pagbibinyag sa mga bata na anak ng mga single mother o anak sa pagkadalaga o bastardo kung tawagin at anak din ng mga hindi kasal sa simbahan.


Ikinasal din niya ang may anak sa pagkadalaga at partner nitong pinawalambisa ng simbahan ang kasal.


Ikinasal din niya ang matagal nang mag-live-in.


Dito sa huling punto, bawal ang bumigay kay manoy o manay sa kama hangga’t walang kasal.


Susme!


Pero kung may nangyari na at kinabukasan, halimbawa, eh, manganganak na si babae o kaya’y nanganak na, kumpisal ang remedyo para makasal ang magka-live-in.


Kung ayaw mong mangumpisal at ang live-in mo, kuwidaw kayo, parekoy, dahil puro pagse-sex, este, pagkakasala ang inyong ginagawa at kalagayan at sa impiyerno kayo pupulutin. Ngek!


Bawal din ang pag-aasawa ng dalaga at ng isang hiwalay sa asawa dahil sa paniniwalang “hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.” Whoever the Lord put together, let no man put asunder. Hak-hak-hak!


Hindi rin pinapayagang mabinyagan ang bastardo at anak ng hindi kasal.


Pero ngayon nga ay niluwagan ni Pope Francis ang mga patakarang ito at siya na mismo ang nagsagawa ng mga pagbibinyag at pagkakasal.


Pero meron pang ibang usapin na gustong linawin ng mga Katoliko.


Kung diborsyado ka, papayagan ka bang magkomunyon?


At kung hindi ka Katoliko o hindi kasal ang mga magulang mo sa simbahan o sibil, papayagan ka bang mag-enroll sa Catholic school?


Sana naman malinawan umano ang mga ito para makatulog nang mahimbing ang mga apektado.


Kung hindi, magsisilipatan lang sa ibang relihiyon ang mga apektadong Katoliko hanggang sa mawalan na ng koleksyon at abuloy, este, mimisahan at ililibing sa Katolikong sementeryo na pawang may bayad ang mga pari at obispo.


Sa totoo lang, marami rin ang nagsisilipatan sa ibang relihiyon dahil sa tsetseburetse sa pagpasok sa mga eskwelahang Katoliko at ang mga ito mismo ay “nagtataka” kung bakit paunti nang paunti ang nag-eenroll na sa kanila.


Hek-hek-hek! Pwe! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



ANONG BAWAL-BAWAL SA SIMBAHANG KATOLIKO?


No comments:

Post a Comment