KUNG hindi dahil sa isang cellphone picture post na pinadala ng isang concerned citizen ay malamang na naging lihim ang isang highway robbery sa EDSA-Mandaluyong na kinasasangkutan ng maraming pulis-La Loma.
Salamat sa isang netizen na naglakas-loob na mag-upload ng eksena ng hulidap sa EDSA na agad kumalat sa Internet at napanood ng hindi mabilang na rami ng mga mamamayan worldwide.
Kung hindi dahil sa kanya ay hindi mahuhuli ang mga pulis na sangkot sa krimeng ito.
Ngunit nakalimutan yata ni Pangulong Noynoy Aquino at ni Kalihim Mar Roxas na pasalamatan ang netizen na ito na ngayon ay maaaring nasa mapanganib na sitwasyon dahil alam na ng Philippine National Police (PNP) ang kanyang tunay na identity sa tulong ng Yahoo Asia.
Pinuri ni Noynoy at ni Mar ang chief PNP sa pagkakadakip ng mga suspek.
Tuwang-tuwa si Noynoy at si Mar dahil pulis din ang nakahuli sa mga pulis na sangkot sa EDSA robbery at hulidap.
Wala yata akong makitang logic sa katuwaan nina Noynoy at ni Mar.
Syempre naman, pulis din ang dapat humuli sa mga tiwaling pulis. Alangan namang mga boy scout o militar ang humuli dahil hindi naman ito ang kanilang papel sa buhay.
Mabuti rin at hindi pa naisasabatas ang panukala ng isang congressman na gawing krimen ang pagkuha ng mga picture nang walang pahintulot ng mga taong nakunan ng larawan sa isang public place.
Ayon sa naturang mambabatas, labag daw ito sa privacy ng mga taong nakunan ng picture.
May anti-cyber crime law rin na isinulong ng Department of Justice (DoJ) na bawal maglabas sa Internet at cellphone ng mga picture at salita na maaaring makasira sa dangal ng sinoman, lalo na kung public officials ang involved. DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment