Sunday, September 7, 2014

Senglot kulong sa panunutok ng baril

DAKIP ang isang senglot matapos pagtripang tutukan ng baril ang naglalakad na lalaki sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Setyembre 6.


Nakilala ang suspek na si Arnulfo Ross, 55, ng Virgo St., Pangarap Village ng lungsod.


Sa reklamo ni Jerald Bansalan, 31, alas-11:30 ng gabi ay naglalakad siya sa naturang lugar nang tutukan ng baril ng lasing na suspek.


Agad na nagtatakbo papatakas ang biktima at nang makasalubong ang mga tanod ay nagsumbong na dahilan upang balikan at dakpin ang suspek kung saan nabawi ang paltik na kalibre .38.


Dinala sa presinto ang suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Senglot kulong sa panunutok ng baril


No comments:

Post a Comment