HINDI na nagising pa sa pagkaka-knockout, ang isang haligi ng tahanan matapos pagbubugbugin ng kanyang kapitbahay sa Isabela kaninang madaling-araw, Setyembre 7.
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong internal hemorrhage sa ulo ang biktimang si Boel Borja, 49, ng Barangay San Isidro, Mallig, Isabela.
Nakakulong na ngayon sa BJMP Roxas, Isabela at nakatakdang sampahan ng kasong homicide sa korte bukas ng umaga (Setyembre 8) ang suspek na si Rolly Santiago, 25, kapitbahay ng biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 12:25 a.m. sa tapat ng bahay ng suspek.
Bago ito, sinugod ng biktima na noon ay lasing ang suspek sa bahay nito dahil may nagpaabot na balita na doon nagtatago ang kanyang mga anak.
Nang sabihin naman ni Santiago kay Borja na wala sa kanya bahay ang hinahanap nito, nagbanta itong babalik kapag wala sa kanyang bahay ang hinahanap.
Dahil hindi natagpuan sa kanyang bahay, binalikan ni Borja ang suspek na humantong sa pagtatalo at maya-maya ay nagsuntukan na.
Dahil mas bata at malaki pa ang katawan, napatumba ni Santiago ang kalaban matapos makatanggap ng malalakas na suntok.
Pinagpawisan naman ng malamig si Santiago nang mapansing hindi na huminga ang kanyang pinada sa suntok. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment