NAGAPA-”last mile” tag ang aabot sa 120 cargo truck sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Philippine Ports Authority (PPA).
Sa bisa ng last mile tag, hindi sila saklaw ng truck ban ng isang linggo upang maipadala ang kanilang kargamento palabas ng Port of Manila papunta sa kanilang mga warehouse sa Kamaynilaan.
Bago itong sistema ng awtoridad upang masolusyunan ang port congestion sa Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nakatulong na rin ang paglalagay ng U-turn slots sa Camachile area at counterflow lane sa North Luzon Expressway (NLEx) upang lumuwag ang trapiko sa Port of Manila.
Ngayong Linggo, maluwag ang daloy ng trapiko sa magkabilang linya ng NLEx, taliwas sa mga nakaraang araw na tila naging parking lot ito dahil sa usad-pagong na trapiko.
Ani Tolentino, imo-monitor nila ang sitwasyon ng trapiko patungo sa pier sa Lunes upang maiwasan ang mabigat ng daloy kasabay ng pagpasok ng school at work week.
Matatandaang itinuturong dahilan sa kilo-kilometrong trapiko sa NLEx ang one-truck lane policy na siyang solusyon naman ng awtoridad upang mabawasan ang cargo trucks sa Port of Manila. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment