SAN GABRIEL, LA UNION – Himalang nakaligtas ang isang limang-taong-gulang na lalaki matapos mahulong sa balon na may lalim na 25-feet sa Barangay Poblacion, San Gabriel, sa nasabing lalawigan kagabi.
Kinilala ng San Gabriel pulis ang biktimang si Manuel Ismael de Vera, ng Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.
Sa ulat ng pulis, papauwi na ang biktima sa kanilang bahay kasama ang kapatid niyang babae dahil gabi na.
Aksidenteng natapakan ng biktima ang takip ng balon kaya nahulog ito.
Agad naman sumaklolo si Fernando Velasco, 41, at sinuong ang balon.
Naiahon ni Velasco si De Vera ilang minuto buhat nang mahulog ang biktima.
Agad dinala sa Bacnotan District Hospital ang biktima upang gamutin ang mga tinamong sugat. Allan Bergonia
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment