Friday, September 5, 2014

Pagpuslit sa bansa ni Dahlia Pastor, pinabubusisi na

PINABUBUSISI na ni Justice Secretary Leila de Lima ang travel records ng biyuda ni race car champion Ferdinand Enzo Pastor na si Dahlia.


Dahil dito, makikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang kumpirmahin kung nasa bansa pa si Dahlia na isa sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Enzo.


Ayon kay De Lima, nakatanggap siya ng impormasyon na nakalabas na ng bansa si Dahlia sakay ng isang chartered flight taliwas naman sa datos na hawak ng immigration at sinabing wala itong departure record.


Bukod kay Dahlia, inilagay na rin sa look out bulletin ng DoJ ang iba pang suspek na sina PO2 Edgar Anghel at Domingo de Guzman na ngayo’y hawak na ng mga awtoridad. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpuslit sa bansa ni Dahlia Pastor, pinabubusisi na


No comments:

Post a Comment