Friday, September 5, 2014

JPE, Napoles, nagpasok ng not guilty plea

NAGPASOK na kaninang umaga, Setyembre 5, si Senador Juan Ponce Enrile ng not guilty plea sa 15 counts ng kasong graft kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.


Sa arraignment sa Sandiganbayan Third Division, tahasang sinabi pa ni Enrile na: “I have not committed any crime.”


Nagpasok din ng not guilty plea si Janet Napoles habang tumanggi naman na maghain ng anomang plea si Atty. Gigi Reyes kaya ang korte na lang ang nagpasok ng not guilty para sa kanya.


Sina Enrile, Napoles at Reyes ay idinadawit sa umano’y maanomalyang paggamit sa mahigit P270-milyong pork barrel.


Sa naturang hearing, pinaupo si Enrile sa lawyer’s table katabi ang dating chief-of-staff na si Reyes. Katwiran ni Justice Samuel Martires, bagama’t akusado ang dalawa, maaari silang pagtabihin sa upuan dahil iisa lang ang kanilang abogado.


Nagbatian naman at sandaling nag-usap ang dating mag-amo.


Kabilang din sa binasahan ng sakdal sina on-leave Technology Resource Center (TRC) Chief Dennis Cunanan, Francisco Figura at Rosalinda Lacsamana.


Una nang tumangging magpasok ng plea sa kasong plunder si Enrile. Sinuspinde na rin ang senador dahil sa naturang kaso.


Nakakulong si Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa loob ng Camp Crame habang magkakosa naman sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig sina Napoles at Reyes. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



JPE, Napoles, nagpasok ng not guilty plea


No comments:

Post a Comment