TINUKOY na ni Juctice Secretary Leila de Lima ang isang negosyante na nasa likod umano ng pagtaas sa presyo ng bawang.
Walang kakulangan sa supply ng bawang sa bansa kundi may isang grupo lamang ang nagmamanipula rito kaya labis ang itinaas ng presyo noong Hunyo.
Ayon sa imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ), sobra ang supply ng bawang at walang naging pagkukulang sa supply gayun na rin sa stock.
Pinangalanan naman ni Juctice Secretary Leila de Lima, ang isang negosyante na nasa likod umano ng mataas na presyo ng bawang na si Lilia M. Cruz, lider umano ng grupong nakakuha ng halos 75 porsyento ng inangkat na bawang.
Nabatid na umabot ng P280 ang presyo ng kada kilo ng bawang sa loob ng isang taon. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment