INILABAS na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) para sa panibagong resolusyon upang limitahin ang public exposure ng mga kandidato sa bawat halalan.
Ang kautusan ay matapos na madismaya sa ruling ng Korte Suprema kaugnay ng ibinasurang resolusyon para sa airtime limit sa political advertisements.
Pero pagtitiyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, magiging alinsunod sa ruling ng Korte Suprema ang ipapasang resolusyon ng Comelec en banc na naglalayong ipantay ang exposure ng mayayaman at mahihirap na kandidato sa panahon ng halalan.
Binigyang-diin ni Brillantes na sa kabila ng pagbasura ng Korte Suprema ng kanilang resolusyon kaugnay ng airtime limits, may kapangyarihan pa rin ang komisyon laban sa mga kandidato sa pamamagitan ng mahigpit na monitoring sa campaign expenses.
Ayon kay Brillantes, hindi man nila malilimitahan ang airtime ng mga kandidato ngunit maari nilang higpitan ang gastos na dapat P3 – P10 lamang ang gagastusin ng bawat kandidato sa kada botante. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment