Thursday, September 4, 2014

LPA sa Aurora, posibleng maging bagyo

NAGPALABAS ng babala ang PAGASA dahil sa mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Pilipinas, lalo na sa Luzon ngayong araw.


Ayon sa PAGASA, kaninang madaling-araw ay nag-landfall o nasa bisinidad na ang Casiguran, Aurora ang low pressurea area.


Pero nilinaw ng ahensya na hindi lamang ang bahagi ng Luzon ang makararanas ng mga pag-ulan ngayong araw sa halip, inaasahan din ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa mga local thunderstorms.


Partikular na tinukoy ng PAGASA ang buong Luzon, Visayas, rehiyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga ang makararanas ng mga pag-ulan.


Samantala, tumaas ang posibilidad na maging bagyo ang pangalawang LPA sa karagatang Pasipiko.


Sakaling mabuo bilang bagyo ay papangalanan itong Karding, at kaninang madaling-araw ay natukoy ang sentro sa layong 770 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA sa Aurora, posibleng maging bagyo


No comments:

Post a Comment