BINIGYAN-LINAW ng Sandiganbayan na hindi pa pinal ang pagkakakulong nina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. at chief of staff nitong si Atty. Richard Cambe sa PNP Custodial Center.
Ito’y kahit pa ibinasura na ng Sandiganbayan First Division ang hirit ng prosekusyon na mula sa Custodial Center ay ilipat sina Revilla at Cambe sa karaniwang kulungan.
Ayon sa anti-graft court, sakaling mapatunayan ng prosekusyon na dapat ilipat ng kulungan ang senador, posibleng ipag-utos ito ng korte.
Nabatid na sa 12-pahinang desisyon ng First Division, wala umanong merito ang hirit ng prosekusyon.
Ayon sa Sandiganbayan, hindi sapat ang iginigiit ng prosekusyon na mailipat ng kulungan sina Revilla at Cambe dahil lang nililitis ang mga ito sa kinakaharap na kasong plunder at graft matapos masangkot sa pork barrel scam. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment