Saturday, September 6, 2014

Abogado nameke ng court order, tinanggalan ng karapatan ng SC

DAHIL sa pamemeke ng court order at tahasang paglabag sa lawyer’s oath, pinatawan ng pinakamataas na parusang disbarment ng Korte Suprema ang isang abogado.


Sa full court ruling ng SC, pinatatanggal sa rolyo ng mga abogado ang pangalan ni dating Atty. Pedro Diamante makaraang mapatunayan itong guilty dahil sa pamemeke ng court order noong 2003.


Ayon sa High Tribunal, nagpagulo sa kaisipan ng publiko ang ginawa ni Diamante sa hanay ng mga nasa legal profession.


Batay sa record ng kaso, nagpakita umano si Diamante ng isang gawa-gawang desisyon ng Korte sa isang Jose Alan Tan na naghahabol ng mana bilang illegitimate child ng kanyang yumaong ama na si Luis Tan.


Bagama’t nauna nang ibinasura ng korte ang paghahabol ng kaniyang kliyente, gumawa pa rin si Diamante ng isang pekeng kautusan na nag-aatas kay Tan na sumailalim sa DNA test upang patibayan ang kanyang paghahabol. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Abogado nameke ng court order, tinanggalan ng karapatan ng SC


No comments:

Post a Comment