Saturday, September 6, 2014

OFW sa Taiwan, comatose sa bangga ng kotse

HANGGANG sa ngayon ay nanatiling walang malay sa ospital ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taichung City, Taiwan matapos mabangga ng kotse habang nakasakay sa isang bisikleta.


Sa impormasyon mula kay Glenn Suarez Pedregosa, tubong Pasay City, at katrabaho ng biktimang si Johnny Ancheta sa Hiwin Microsystems, nangyari ang insidente noong Agosto 29 ngayung taon habang papauwi na sa kanyang dormitoryo si Ancheta.


Habang nasa daan sakay isang bisikleta ay bigla na lamang binangga ng rumaragasang kotse na minaneho ng lasing na Taiwanese.


Isinugod si Ancheta sa Cheng Ching Hospital sa Taichung kung saan sa ngayon ay nanatili pa ring walang malay.


Umaapela ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng panalangin para sa pag-recover ng biktima sa lalong madaling panahon. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



OFW sa Taiwan, comatose sa bangga ng kotse


No comments:

Post a Comment