DISMAYADO ang isang lalaki sa lungsod ng Sagay, Negros Occidental matapos madiskubreng maliban sa mga isda at tomato sauce, may iba pang laman ang ulam ng nilang sardinas.
Sinabi ni Jomarie Dayanan, 37, ng Brgy. Lopez Jaena, Sagay City, nakita nilang may laman na guwantes na gawa sa goma ang ‘Swan Sardines’ na kanyang binili.
Ito umano ang madalas niyang pinapaulan sa kanyang mga anak na papasok sa eskwelahan dahil madali itong ihanda.
Nasa kalagitnaan na sila ng panananghalian nang makita ng isa nitong anak ang piraso ng goma na tinatayang isang pulgada ang laki.
Nababahala ang nasabing tatay na posibleng may iba pang bahagi ng guwantes na nakain ng kanyang mga anak na maaaring mapanganib sa kanilang kalusugan.
Ang sardinas ay binili ni Dayanan sa isang department store sa kanilang lungsod. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment