Saturday, September 6, 2014

Azkals bigo sa Myanmar sa Peace Cup finals, 2-3

BIGO ang Philippine Azkals na makuha ang “three-peat” crown sa Peace Cup kaugnay ng kanilang championship game kontra sa Myanmar na isinagawa sa Rizal Memorial Football Stadium nitong Sabado ng gabi.


Nais pa naman sana ng Azkals at ng team captain na si Rob Gier na makapaghiganti sa Myanmar, partikular sa coach nito na si Raddy Avramovic na dating coach ng Singapore na siyang tumalo sa Philippine team noong 2012 AFF Suzuki Cup.


Sa dikitang laban, pinayuko ng Myanmar ang pambato ng Pilipinas sa additional time ng kanilang laro.


Una rito, naka-goal ang Myanmar sa pamamagitan ni Kyaw Ko Ko sa 8th minute.


Humabol naman ang Azkals sa second half at agad naka-goal si Daisuke Sato sa 49th minute.


Habang sa 70th minute naman ay nakagawa ng puntos si Phil Younghusband sa pamamagitan ng penalty kick para maitala ang 2-1, pabor sa Pilipinas.


Agad namang humabol ang Myanmar para itabla ang score sa 2-2 makaraan ang regulation period ng laro.


Sa extra time, lumamang ang Myanmar sa score na 2-3 na siya na ring naging final score. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Azkals bigo sa Myanmar sa Peace Cup finals, 2-3


No comments:

Post a Comment