Thursday, September 4, 2014

‘Malalaswa’ sa EDSA babaklasin na

AALISIN na sa Edsa-Guadalupe sa Makati ang mga billboard na malalaswa ayon na rin sa utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Ang mga billboard na nakahubad ang pang-itaas na damit ay kasama rin sa mga babaklasin maging ang mga advertisement na may double meaning ang tag line.


Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, sinabihan niya ang advertiser ng naturang underwear line na alisin ang mga billboard matapos itong punahin ng mga kaparian ng Simbahang Katolika.


Sabi ni Tolentino, hindi makabubuti sa kabataan at maging sa pangkalahatang publiko ang konotasyong sekswal ng mga billboard. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Malalaswa’ sa EDSA babaklasin na


No comments:

Post a Comment