ANG sugal-lupa ay sugal na rin ng mga bata. Nakatatakot ito dahil ang sugal ay nakasisira ng buhay, lalo na’t mga bata ang karamihang nabibiktima.
Alam kaya ni Manila Police District director, Gen. Rolando Asuncion na sa erya niya sa Lungsod ng Maynila ay talamak ang mga video-karera at iba pang sugal na ang mga karaniwang nagiging suki ay kabataang estudyante?
May isang magulang na taga-Tondo ang lumapit sa akin at isinusumbong ang mga video-karera sa kanilang lugar.
Hindi niya mapigil ang kanyang anak sa kasusugal dito dahil talagang naaadik ang bata.
Ang buong akala ng bata ay karaniwang “games” lang ang kanyang nilalaro.
Lingid sa kanya, nakauubos na siya ng maraming barya at pati ang kanyang baon ay naitataya na sa paghuhulog sa video-karera.
Kung iniisip ni Gen. Asuncion na barya-barya lang naman ang mga inihuhulog sa video-karera, nagkakamali siya.
Itanong niya sa nagpapakilalang bagman niya na si “Syornak” kung magkanong payola ang nakukuha nito para maniwala siyang hindi biro ang nahahamig ng mga operator ng video-karera sa sugal na ito na bumibiktima sa mga bata.
Hindi ko po alam, Gen. Asuncion, kung sino-sino ang mga operator ng VK diyan sa Maynila.
Ang mahalaga po ay huwag naman sana kayong maging inutil sa pagbaka sa mga iligal na sugal na ‘yan na nag-aanyong “games” lang sa mga kabataang mag-aaral.
Itanong n’yo lang kay “Syornak” at sa mga station commander ninyo kung sino-sino ang mga operator diyan at mahuhuli mo sila.
Siya nga pala, Gen. Asuncion, pakibingwit na rin sina Boy Abang at Apeng Sy na pasimuno naman ng mga bookies at lotteng.
Namumunini ang mga hinayupak na ito sa barya-baryang kita ng Manilenyo dahil sa pagtaya sa kanilang illegal gambling.
Ang dalawang ito ay hindi matinag-tinag dahil sila raw ay may “payola” na ibinibigay raw sa opisina mo.
Totoo ba ito, ha, Gen. Asuncion?
Pakihuli sila kung wala itong katotohanan. At boldyakin mo kung sino ang nangongolekta, gamit ang inyong pangalan.
Please naman po! KANTO’T SULOK/Nats Taboy
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment