Thursday, September 4, 2014

BULOK NG CUSTOMS AT ICTSI

HINDI na dapat ibinaba sa Port of Subic ang 16 na “container van,” 14 ang namamaho at dalawa ang tumutulo, mula sa Port of Manila.


Ito Ang Totoo: kaya naglilipat ng mga “container van” mula Port of Manila ay dahil punom-puno na ito at may mga hindi na maibabang kargamento bunga ng pinaiiral na “truck ban” sa naturang lungsod.


Ibig-sabihin, taga-salba ang Port of Subic sa problema ng Port of Manila na maraming negosyo na rin sa buong Luzon ang napipinsala, kasama na ang mga negosyong nangangailangan ng materyales, piyesa, sangkap at marami pang iba.


Pero may mga demonyong ogag na sa halip na matuwa sa Subic, gagawin pa itong tambakan ng bulok at maaaring delikadong kung anong bagay.


Hindi naman nakalusot sa atensyon ng mga kinauukulan ng SBMA ang 16 na kuwestyonableng “container van” kaya ipinahiwalay ang mga ito para maibalik sa pinanggalingan.


Kaya lang, kailangan daw ng “dokumentasyon” para sa panibagong biyahe at itong barko na ginamit para sa mahigit 700 “container van” ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) ay umalis na.


Habang tinitipa natin itong kolum, tinatrabaho pa ang pagpapabalik sa Port of Manila ng naturang mga “container van,” ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.


Ito Ang Totoo: dahil dito, ipinag-utos ni Garcia na simula ngayon, lahat ng dadalhing “container van” sa Subic, partikular sa Freeport, galing ng Port of Manila ay dapat malinaw kung ano ang nilalaman.


Bilang patakaran, wala aniyang papayagang “toxic” o mapanganib na kargamentong ibababa sa Subic.


Okay tayo riyan pero mungkahi natin kay Chairman at sa buong SBMA Board, panagutin ang mga ungas na nagtangkang gawing imbakan ng bulok ang Subic.


May pananagutan dito ang Bureau of Customs at ICTSI na walang malasakit sa Subic palibhasa hindi naman sila tagarito.


Hindi dapat palampasin ang katarantaduhan ng mga mukhang perang sangkot na Customs officials at taga ICTSI. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/Vic V. Vizcocho


.. Continue: Remate.ph (source)



BULOK NG CUSTOMS AT ICTSI


No comments:

Post a Comment